tahan na munting binibining
naka kubli sa iyong sariling
mga luhang nagpapatakan
dulo't ng yong kalungkutan
tahan na, huwag ng lumuha
may karamay ka sa problema
hinga ng malalim't aking kamay hawakan...
palipasin ang panahon at problema'y ilisan
punasan ang lungkot at luhang inapi
sa piling ng buwan, bituin at langit
ramdaman ang init ng aking yapos
mata'y ipikit at kama'y haplos
at pag gising ng araw, at gabi'y lumisan
balik na sa mundong ating iniwan
halik sa noo't, labi'y 'lang 'sing tamis
sa pag tahan ng luha at iyong hinagpis















Comments